Eroplanong Papel

Papel at tintang panulat,
Gamit sa pag burda ng akin damdamin.
Silyado ng pangakong iniwan,
Ang nag uumapaw na pagmamahal.
Mga salitang gustong ipahiwating.
Umaasa sayo’y makakarating.

Araw, linggo, buwan at taon.
Pagbilang sa mga bukas na kay labo nang makamit.
Patuloy sa pag sulat ng mga salitang kay lambing.
Mga pagsamo sa iyong pagtingin.

Kasabay ng pag buhos ng ulan sa aking mga mata,
Ang unos na tinatahak,
Mababasa pa kaya ang tintang humulas?
Makakarating pa kaya ang mga pakpak na buhat ang mga ulan?

***

Leave a comment

Website Powered by WordPress.com.

Up ↑