Pinoy Indie Films: Cinemalaya 2018

Ilang araw pa lang ako nanood ng mga pelikula ng Cinemalaya ngayong 2018. Masasabi ko din na ito ang unang pagkakataon na manonood ako ng mga ganitong klaseng palabas sa sinehan.

Sa mga hindi nakakaalam, ang cinemalaya ay isang foundation na tumatangkilik at sumusoporta sa mga indie films (independent films), film makers at mga manunulat sa bansa. Nagsimula and Cinemalaya Foundation noong 2005 kabalikat ang Cultural Center of the Philippines (CCP). Ang Cinemalaya Festival ay palahok na ginaganap kada taon bilang paggunita at pagkilala sa mga bagong pelikula at film makers.logo_cinemalaya

Ilang taon ko na din naririning ang cinemalaya at ilang beses na din akong sumubok manood nito. Ang mga indie films noon ay hindi kadalasang pinapalabas sa mga sinehan sa malls. Mabuti ngayon pinapalabas na ito sa mga sinehan na madaling puntahan ng mga manonood lalo na’t pasok sa budget, sa halagang 150 kada pelikula. Hindi lang natatapos sa indie films ang cinemalaya, nakikipagugnayam din sila sa iba’t ibang organisasyon upang mas mapalago at makilala ang mga ganitong klaseng palabas. May mga libre palabas, seminars at book launch na kadalasang ginaganap sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ang mga palabas na The Lookout, School Service at ML ay ilan pa lang sa full length na pelikula na aking napanood na tumutukoy sa realidad ng lipunan (kastress beshie, sinabayan pa ng Buybust ni Anne Curtis). Ang bigat ng mga palabas na to dahil alam mong totoong nangyayare. Kaya pala, may panahon ang industriya ng mga pelikula tulad Metro Manila Film Festival (MMFF) na puro kathang isip at katatawanan ng tema. Dahil sa bigat ng katotothanan ng realidad ng buhay sa Pinas isa ito sa paraan para matakasan ang tunay na muka ng buhay. Ginamit na din itong pagkakataon ng mga gumagawa ng pelikula upang kumita. Business is business kahit pa sabihin nilang “para sa taumbayan”.

cinemalaya-2018-finalists-1

Mabuti na din sigurong napapadalas ang mga makatotohanang istorya sa mga pelikula. Nasobrahan na nga ata sa mga kathang-isip at naging kampante na ang mga tao. Magandang mapanood ng mga kabataan ang mga ganitong klaseng mga pelikula dahil ang mga istorya ay sumasalamin ng mas malalalim na pagunawa sa realidad sa lipuna,n na unti unting nawawala sa mga makabagong henerasyon. Dahil nga kampante, masyado nang nagiging IDEALISTIC. ( TIP: Makinig din minsan sa mga nakakatanda, kadalasan tama din sila. )

Ang napansin ko sa mga pelikulang ito ay ang rating. Ang mga pelikulang sa bansa ay sumasailalim sa isang pagsusuri at paguuri ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) upang maging kaaya-aya itong panoorin na naaayon sa edad. Ang mga uri ng rating para sa mga pelikula ay ‘G’, ‘PG’, R-13, R-16 at  R-18 para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang kanilang website  www.mtrcb.gov.ph o ang isinapublikong agreement ng MTRCB at Cinemalaya. Ito lang ang nahanap kong may kumpletong detalye tungkol sa ratings nila, click here.

Isa na dito ang pelikulang ‘The Lookout’, hindi naaayon ang rating na ‘PG’. Ang pelikulang ito ay may ‘Nudity’ (nakahubad) at ‘Sex’ (pagtatalik), kahit pa ang gumaganap  ay parehas na kasarian. Ayon sa MTRCB ang rated PG ay pumapayag magpalabas ng nakahubad hanggang hindi ito patungo sa pagtatalik; at kung may pagtatalik man dapat ay bahagya lang at hindi ipapakita ang mismong ginagawa. Ang mga ipinakitang sex acts sa pelikulang ito ay isang uri ng gay-sex, hindi man ipinapakita ang maseselang bahagi ito pa din ay isang uri ng pagtatalik sa saaking palagay ay hindi nararapat sa mga batang 16 anyos pababa. (TIP: Panoorin para maunawaan)

rated pg

Pero sa panahon ngayon, 13 anyos pababa ay mulat na sa karahasan, pagtatalik at droga. Kasi nga daw mga ‘millenials’ kaya nalalaman agad nila at tiyak na maiintindihan din nila yun dahil nga mga “open minded” ( Edi sana wala na lang MTRCB). Isa yang halimbawa ng pagiging kampante ng mga kabataan at mga batang magulang. ( TIP: wag atat tumanda, dahil mas malaya at mas masaya pa din ang pagiging bata ) Positibo pa din ako na hindi lahat ay ganto ang pananaw.

Hindi ko man mapanood lahat sa mga sinehan ngayon tiyak akong magaganda ang mga ito. Ang pagkakaisa ng mga tema ng pelikula ngayon tungkol sa usapin ng droga, mga patayan at iba pang usapin sa bansa ay nagpapahiwatig ng iba’t ibang angulo ng realidad ngayon sa ating lipunan. Panoorin at tangkilikin natin ang mga pelikulang Pilipino dahil hindi lang sa magaling ang pagkakagawa isa itong entablado sa pagpapahayag ng opinion na tiyak mapupulutan ng aral.

REFERENCE:

http://www.cinemalaya.org

https://www.culturalcenter.gov.ph/ 

| ALL PHOTOS ARE COURTESY OF THE OWNER |

GIF-180915_125936

Advertisements

2 thoughts on “Pinoy Indie Films: Cinemalaya 2018

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s